Pagkatapos mong mag sign up sa Empowered Consumerism, importante na malaman mo ang proseso sa paglaki nang negosyo. Ang Paraan kung paano mo palakihin ang negosyo ay nakasalalay sa iyong kaalaman sa negosyo. Dalawa ang kailangan mong matutunan, Una, ang mapalawak ang iyong Knowledge sa Negosyo at ang pangalawa ay ang mga Skills na dapat mong matutunan.
Mga Paraan kung paano lumaki ang negosyo
Proseso sa paglaki nang Negosyo
Sa Videong ito, makikita mo, in general kung ano ang dapat mong gawin sa pag umpisa nang iyong negosyo kung paano mo ito palakihin. Mag uumpisa lahat iyan sa training program na inihanda ko sa lahat nang gustong matuto at kung paano maging successful sa kanilang journey dito sa Empowered Consumerism at Orbix Victus International.
Mga kaalaman sa bawat proseso nang paglaki nang negosyo
Ang Training Program ang pinaka backbone nang iyong negosyo. Bawat stages sa proseso nang paglaki nag negosyo ay may katumbas na Knowledge at Skill Development. Importante na malaman mo ang bawat Stages nang paglaki nang negosyo. Lahat nang mga mahahalagang bagay sa mundo ay pinaghihirapan. Ang negosyo na gusto mong i establish ay isang negosyo na magbibigay sa iyo nang FINANCIAL FREEDOM. Hindi ito overnight success. Ito ay isang proseso na may tamang systema. Bawat stages nang paglaki nang negosyo ay may mga dapat kang matutunan in advance para ikaw ay prepared sa lahat nang mga dapat mong gawin.
Find a sponsor for your web site. Get paid for your great content. shareasale.com.
Ano ba ang dapat mong malaman?
Ito ay totoong negosyo at nakasalalay sa iyo ang magiging success mo. Walang ibang pwedeng gumawa nang negosyo kundi ikaw. Ikaw ang may pangarap at ikaw din ang may kagustuhan na magbago ang iyong kalagayan. Lalong lalo na pag ang iyong pamilya ang nakasalalay. Habang nag uumpisa ka pa lang, ang unang dapat mong gawin ay Alamin mo sa iyong sarili ang mga malalim na dahilan kung bakit ka nagnenegosyo? Ito ang magbibigay sa iyo nang inspirasyon para tuloy tuloy mong gawin at para naka focus ka sa paglaki nang negosyo.
Knowledge is the Key
Marming mga pagsubok ang darating sa iyo sa bawat stages nang negosyo. Tulad sa tema nang blog na ito, "Learn and Build Bring Vision to reality" magkasama ang learning process at ang building process. Bago ka mag build nang income, dapat mong malaman ang mga prinsipyo sa pagpapalaki nag negosyo, ang tamang mindset, tamang attitude at tamang paraan. Knowledge is the key.
Character building (Attidude)
Mind and Heart. Ito ang parehong kailangan mong bigyan nang inspirasyon sa pagpapalaki nang iyong negosyo. Ang unang part ay ang development nang iyong mindset sa negosyo, ang pangalawa ay ang pag develop nang iyong character. Kung may tamang attitude ka sa negosyo, lahat ay magaan sa iyo. Ang lahat nang mga pagdadaanan mong pagsubok ay mga challenges na haharapin mo nang may positive attitude. Lahat ay may solusyon, kaya kung sakaling may mga mararanasan kang hindi mo inaasahan, ang iyong kalooban ay preparado na para harapin ang lahat nang mga challenges.
Isa sa mga dapat mong i develop sa attitude ay iyong "attitude of learning". Maaring sa unang akala mo ang business ay napakasimple lamang lalo na pag malaki ang iyong impluwensya.
Sa negosyo nang Direct Selling, marami ang nagkakamali sa recruit recruit lang. bagamat simpleng tignan, mahirap itong gawin pag ikaw ay nagbubuo na nang isang iyong network. Ang pinaka sicreto pala dito ay ang iyong attitude. Dapat kang matuto muna at sa pag aaral mo nang mga skills, dapat mong maexperience kung paano ka nagbi build nang business. Hindi lahat nang kakausapin mo ay magiging pabor sa iyong mga ginagawang paraan kaya dapat mong makontrol ang iyong emotion.
Mga Skills na Kailangan mong Matutunan
Kung napaghandaan mo na ang kailangan mo sa pagdevelop nang Knowledge sa isip at sa puso (learning process), Ang susunod na proseso ay ang Building Program. Dito na ang actual na activity kung saan magpo produce ka na nang income. Ang lahat nang negosyo ay nakasalalay sa movement nang kanilang mga products o nang services para tumakbo ang negosyo. Kung walang tumatangkilik sa kanilang mga producto o serbisyo, walang income. Kaya dapat mong matutunan kung paano ka ba makaka produce nang income sa direct-selling?
Related Topics
No comments:
Post a Comment