Sunday, March 10, 2024

Mga Epektibong Paraan Sa Pagpapatakbo Nang Negosyo

 Sa mga nakaraang blogpost, napag usapan natin ang mga paraan kung paano mag umpisa nang negosyo at mga proseso kung paano lumaki ang isang negosyo. Ngayon naman ay pag usapan natin ang; 

Mga Epektibong Paraan Sa Pagpapatakbo At 11 na Hakbangin sa Pagpapalaki Nang Negosyo



 Dalawang Matibay na paraan para ang negosyo mo ay tumakbo nang maayos at may tamang gabay sa pagiging matagumpay ang iyong negosyo. Ang mga epektibong paraan na ito ay base sa mga naging karanasan nang mga negosyante. Dito nahango ang mga prinsipyo sa papapalaki nang negosyo na maaari nating tularan. 

Maaring ang mga nabanggit na paraan ay madagdagan mo pa ayon sa iyong magiging karanasan dahil iba iba ang sitwasyon na maaaring maging karanasan natin. Patuloy na inaalam natin ang mga karagdagang kaalaman sa mga susunod na pagsusuri sa mga karanansan nang mga naging matagumpay na mga negosyante.

Narito ang mga 3 Epektibong Paraan;

Magkaroon Nang Matibay Na Pundasyon

Sa lahat nang larangan ang pundasyon ang magpapatibay sa iyong negosyo. Tulad nang gusali, kapag matibay ang pundasyon, maaasahan mo na magtatagal ang gusali kahit na anu mang sakuna ang dumating. 

Paano Mo mapapatibay Ang Pundasyon Nang Iyong Negosyo?

Nakasalalay ang negosyo sa iyong producto at serbisyo. Ito ang pangunahing sangkap na sumasakop sa pagpapatibay nang pundasyon nang negosyo. Para maging matibay ang pundayon, ang mga producto mo ay suriing mabuti kung ito ay nakasunod sa mga palatuntunan nang mataas na kalidad, sa presyong abot kaya at madaling mabili o maipadala sa iyong mga customer. 

Ang Delivery system ay isang serbisyo na kasama sa pagpapatibay nang pundasyon nang iyong negosyo. Dito rin nakasalalay ang "cutomer satisfaction". Kung naging kuntentto at nasiyahan ang iyong mga customer sa producto at serbisyo na iyong inaalok, siguradong ang mga customer mo na rin ang magbibigay nang paraan para ang negosyo mo ay lumaki at lumawak ang nasasakupan. 

Maging Masinop Sa Pamamahala Nang Iyong Kaperahan (financial)

 Ang pamamahala nang iyong financial ay isa rin sa pimakamalaking elemento nang epektibo at matibay na paraan sa pagpapatakbo nang negosyo. 

Magkaroon nang maayos na accounting system, lahat nang pinagkakagastusan ay dapat nakalista. Dito mo makikita ang daloy nang iyong financial para maiwasan ang hindi kailangang pagka gastusan o dili kaya ay magkaroon nang priority sa mga dapat gastusin. 

Hindi lamang sa mga gastusin kundi sa lahat nang iyong mga tinutubo ay maging maingat din. Magkaroon nang magandang programa kung paano ka mag expand nang negosyo sa pamamagitan nang pamumuhunan galing sa iyong mga kinita. Ito ay para mas lumaki ang iyong kikitain sa pamamagitan nang pag uulit sa naging epektibong systema sa unang hakbangin nang iyong business venture. 

Maging Maagap Sa Kaalaman At Paggamit Nang Teknolohiya

 Sa ayaw at sa gusto natin, ang tehnolohiya ay mabilis magbago. Dapat maging maagap sa mga pagbabago. I adopt ang mga pagbabago at gamitin ang tehnolohiya ayon sa pangagailangan nang iyong negosyo. Hindi lahat nang panahon ay maging "in" ka sa teknolohiya kundi maging aware ka sa mga pagbabago at dumarating na pagbabago para handa kang sumabay sa trend lalong lalo na sa mga pangangailangan nang iyong mga customer.

  • Tulad nang pagbibigay mo nang mga internet access sa iyong establishment para sa iyong mga customer. 
  • Pag offer mo nang mga online payments
  • Pagdeliver mo nang mga producto sa mga malalayong lugar
  • Pagkakaroon nang online communication para sa mga nagtatanong na customer 
  • Pagkakaroon nang website at social media platform para sa pag promote nang iyong mga produkto at serbisyo
Ito ay ilan lamang sa mga dapat mong i consider sa mga kaalaman sa pag advance nang teknolohiya.

Narito naman ang mga 11 Hakbangin para mapalaki ang Negosyo, matutunan mo dito ang mga dapat mong gawin para mas lalaong maging epektibo ang iyong paraan sa pagpapatkbo nang negosyo. Tulad nang nabanggit, maaaring labing isang hakbangin ito pero pwede mo ring dagdagan pa ito base sa magiging takbo nang iyong mga karanasan sa pagpapatakbo nang negosyo. Ito ay mga sumusunod; 

Mga 11 Hakbangin Para Mapalaki Ang Negosyo



1.    Gumawa Nang Makatotohanan at Kayang AbutinNna Layunin

 

Ang dahilan nang iyong pagnenegosyo ay may malalalim na dahilan. Ito ay magbibigay sa iyo nang tamang gabay para gawin mo ang negosyo nang tuloy tuloy. Kung wala kang layunin, mahirap makamit ang tagumpay dahil maaaring tumigil ka sa kalagitnaan nang isang malaking pagsubok. 

Ang pagkakaroon nang makatotohanan na layunin ay isang  palatuntunan para malaman ko kung ikaw ay nasa tamang direction sa iyong negosyo. 

Paano Gumawa Nang Isang Makatotohanan At Kayang Abutin Na Layunin?

  • Laging isipin ang pinaka malalim na dahilan kung bakit mo ginagawa ang negosyo. Ang "Deepest Why"
    ang magbibigay sa iyo nang motivation at inspirasyon para magpatuloy ka sa iyong inumpisahan. Hanggat't hindi mo naaabot ang iyong mga pangarap o kahit naabot mo na ito ay patuloy mong pagandahin at ayusin ang mga systema nang iyong negosyo. Magkakaroon ka nang matibay na kamalayan (awareness) sa iyong mga pangarap, mas ma eexpress mo ang iyong mga idea, maiiwasan mo ang mga hindi mo dapat ginagawa, at matututunan mong i manage ang iyong mga prioridad.

  • Gumawa ka nang mga maliliit na hakbangin para sunod sunod mong makamit ang iyong mga pangarap
    . "Smalll steps" para sa mga malalaking mga accomplishments. Katulad nang paglinis nang isang malaki at magulong kwarto, mag umpisa ka sa mga maliliit na goal tulad nang pagpulot nang mga kalat isa isa hanggang sa matapos mo ang iyong paglilinis. Ss negosyo, maaaring gusto mong kumita nang malaki, kaya marapat lang na makapag benta ka nang pakonti konti at makikita mo ang iyong mga magiging tubo sa bawat pinagbentahan. Doon ka makapag iisip nang paraan kung paano lumaki ang iyong kita.

Umpisahan mo sa maliit na puhunan at pag aralan ang mga paraan kung paano palakihin ang negosyo. Mayroon tayong training program para sa lahat nang mga naghahanap nang mauumpisahan negoyso sa maliit na puhunan at palakihin ito sa pagbigay mo nang panahon sa training program sa pagpapalaki nang negosyo

 

  • Dapat ay may time frame ka sa bawat maliliit na layunin
    . Tulad nang mga magagawa mo sa isang araw, sa isang linggo sa isang buwan at sa loob nang isang taon. Ang bawat makakamit mong layunin ay mga matutulad na nating sa iyong tagumpay. Pag nakamit mo ang maliit, makakamtan mo na rin ang malaki.
  • Patuunan mo nang pansin ang tuloy tuloy na gawain sa negosyo
    . Consistency sa lahat nang iyong mga ginagawa. Ulit ulitin ang proseso hanggang makabisa mo ito at hanggang maging parte na nang iyong buahay.  

  • Huwag kang masiaraan nang loob sa mga failures
    . Kung may naranasan kang pagkakamali, maging aral ito para maka isip ka nang magandang paraan kung paano maiwasan ang mga pagkakamali.


2.    Magtakda O Maghanap Nang Kaukulang Tulong Sa Iyong Pang Puhunan

Ang tulong pinansyal ay isang malaking paraan para sa pagpapatakbo nang iyong negosyo. Hindi masama ang umutang kung ito ay para sa ikauunlad nang iyong negosyo. Magkaroon ka lang nang paraan sa pagbabayad nang iyong nga inutang hanggang may kakayahan ka nang mamuhunan sa sarili mong kinita. Maraming mga banko ang nag aalok nang mga tulong pinanssyal at may mga individual din na pwedeng makapag bigay nang tulong sa iyo. Hanapin ang mga taong at institusyon na makakatulong sa iyo at i establish mo ang iyong reputasyon sa pagbabayad. Marami ang nasisira sa ganyang sitwasyon kaya ingat ka rin sa paghingi nang tulong. Disiplina ang kailangan at tamang pagpaplano para ma monitor mo ang cash flow. 

Kung hindi ka makakita, pwede mo ring gawing layunin ang mag produce nang sarili mong kita para makapag puhunan ka sa iyong negosyo. Umpisahan mo sa maliit. Mas maganda kung ikaw ay makapag trabaho at magtabi nang pera para sa iyong puhunan. pwede kang mag umpisa sa maliit na puhunan.  

3.    Alamin At Pag Aralan Ang Kompetisyon

Ang mga kahalintulad mong negosyo ang magandang simula kung paano ka makapag umpisa sa iyong negosyo. Mapag aaralan mo ang kanilang mga strategy at gumawa ka nang sariling systema kung paano mo ma improve ang iyong mga paraan sa pagbenta man nang iyong producto o pag deliver nang iyong mga serbisyo.

Hindi ka dapat manira nang iyong mga ka kumpetensiya, kundi maging mapanuri ka sa kanilang mga ginagawa. Tularan ang mga magagandang paraan at i improve ang mga wala sa kanila.  

4.  Pagtuunan Nang Pansin Ang Iyong Customer

Ang iyong customer ang magpapataas nang antas nang iyong negosyo at ito rin ang magpapabagsak sa iyong negosyo. Pagtuunan mo nang pansin ang iyong customer. Dapat ay maging kuntento sila sa iyong producto at serbisyo. Sila ang magandang paraan para ma advertise ang iyong negosyo, lalong lalo na sa mga Social Media. Mas madali nang makapag kalat nang balita sa mga tao. 

5.    Mamuhunan sa Digital Marketing

Kadugtong nung nasa pang apar na paraan ay ang Digital Marketing. Mas madali nang abutin ang mga customer sa pamamagitan nang mga social media platforms. Pag aralan mo ang mga paraan kung paano mo i promote ang iyong negosyo, mga producto at serbisyo  

6.    Palakihin At Palakasin Ang Iyong Social Media Following

Isa sa mga skills na dapat mong matutunan ay ang paggamit nang social media para padamihin ang iyong mga followers. Mag build ka nang community na kung saan ay maaari mo silang maging mga "captive market". Madali na rin ang communication sa magiging followers mo na maaaring maging regular customers mo. 

Sa mga social media following, maaari ka ring kumita, kaya pag aralan mo na rin kung paano ka mamonetize sa mga social media tulad nang facebook, youtube, tiktok, instagram at iba pang mga nagbibigay nang income. 

Maaari mo ring gawing Affiliate Program ang iyong negosyo para mas lumawak ang mga makakasama mo sa pagbenta nang iyong mga produkto at serbisyo.

7.    Magtatag Nang Reputasyon Online


 Sa pag establish mo nang mga following sa social media, mahalaga rin na maitatag mo ang reputasyon sa online. Habang dumadami ang mga following, importante na makita nang iyong mga followers na ang iyong negosyo ay lehitimo at maaasahan. Kailangan mo silang i update at i inform sa mga kaganapan nang iyong negosyo, mga pagbabago at mga benefits na maaari mong ipamigay sa kanila. Sa pagkakaroon mo nang mga event na ganito, mas lalo nilang makikita na lkaw ay may magandang layunin sa iyong negosyo at nakatuon sa customer ang iyong serbisyo. Kapag ang customer ay nakuntento sa iyong negosyo, mas malaki ang pagkakataon na sila ay manatiling loyal sa iyong mga produkto. 

8.    Ihilera Ang iyong Mga Layunin 


Ang iyong mga kasamahan o kasosyo sa negosyo ay dapat na nakatuon sa iyong mga layunin. Ihilera lahat sa layuning mo ang bawat galaw at desisyon na gagawin mo sa negosyo, Hindi ka maliligaw sa anu mang mga balak mong gawin dahil alam mo kung ano ang gusto mong mangyari at ang gusto mong gawin sa kinabukasan. lahat ay papunta sa pinaka malaking layunin mo sa buhay na naka dikit sa iyong mga pangarap. 

9.    Magtatag Nprograma Para Maging Tapat Ang Customer


Para maging tapat ang iyong mga customer, dapat ay magkaroon ka nang mga feedback sa kanila. Dito mo magagawan nang paraan kung paano ma improve ang iyong negosyo. Ang mga tapat na customer magiging tulong sa sustainability nang iyong negosyo.

10. Gumawa Nang Paraan Para Mapaliit Ang Gastusin Sa Puhunan At Maging Mataas Ang Tutubuin

Ang paggawa nang paraan para mapaliit ang mga gastusin at lumaki ang tutubuin ang isa sa mga napakalaking challenge sa isang negosyo. Hindi dapat masira ang kalidad o ibaba ang kalidad nang iyong mga produkto para lang mapaliit ang iyong mga dapat gastusin. Pag aralan ang mga paraan kung paano mo mapaliit ang puhunan sa mga ibat't ibang aspeto nang negosyo tulad nang packaging, delivery at iba pang mga systema na makaka apekto sa pagpapaliit nang presyo nang iyong mga gastusin.

11.  Suriin At Baguhin Ang Systema Para Magkaroon Nang Simpleng Paraan Sa Pag Asenso

Ang patuloy na pag review at evaluate nang iyong mga systema ay importante rin sa pag asenso. Habang tumatagal, may mga systema ka na dapat baguhin para sa improvement nang iyong negosyo. Ang mga naging tagumpay mo sa mga nakaraan ay maaaring hindi na rin applicable sa hinaharap kaya marapat lang na mag adjust at baguhin ang systema ayon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan. 

 

Kunklusyon

Ang lahat nang mga napag-usapan dito ay mga epektibong paraan sa pagpapatakbo nang negosyo na maaaring hindi angkop ang iba sa iyong sitwasyon. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga karanasan kung paano ka naging epektibo sa iyong negosyo na wala sa listahan na naibigay ko sa taas. Sa pananaliksik ko, ito ang mga maaarin mong mabigyan nang considerasyon kung ikaw ay nag uumpisa pa lang sa negosyo. 

Makipag ugnay ka na rin sa aking mga social media platform at kumunekta para mas maging personal ang ating mga magiging kaalaman sa isat isa at sa iyong negosyo. Matuto sa bawat isa at makatulong na rin sa mga taong nangangailangan nang mga impormasyon na magbibigay sa kanila nang gabay sa pagpapalaki at pagpapatakbo nang negosyo.

Makipag ugnay sa at i Like ang Facebook Page na ito Learn and Build;



Panoorin din ang mga Video Podcast sa aming Youtube Channel:





Para sa mga karagdagang kaalaman na related sa topic na ito, pwede mong basahin ang topic tungkol sa kung Paano Lumaki ang Negosyo.

 Related Topics:

Paano lumaki ang negosyo

No comments:

Post a Comment