Tuesday, February 27, 2024

Paano Magsimula Nang Isang Negosyo Sa Tamang Mindset

Para magsimula nang isang negosyo, kailangan may mga paghahanda ka. Kasama na dito ang pagkakaroon nang tamang mindset. Ang Business Mindset ay maaari mong mailagay sa tamang prinsipyo kung paano ka magsimula nang negosyo. Magbibigay din ito sa iyo ito nang tamang attitude para sa maging successful ka sa gagawin mo. 






Ito ay ang mga dapat mong pinaghahandaan bago ka gumawa nang mga steps sa pag operate nang iyong negosyo. Lalong lalo na sa sitwasyon mo bilang OFW. May kasalukuyan kang trabaho, kaya dapat mong paghandaan at dapat mo gawing sabay lalong lalo na sa pag dagdag mo nang extrang time sa pagnenegosyo. 

Pagkatapos mo sa iyong regular na trabaho, maaari mong idagdag sa iyong mga activities ang pagpapalaki nang negosyo.

Paghahanda Bago Magsimula nang isang Negosyo

Kung meron kang mauumpisahang Home Based Business habang ikaw ay nakatali pa sa iyong araw araw na trabaho, ito ang mga dapat mong paghandaan bago ka magsimula nang isang negosyo, at least bago ka man lang  mag "for good" sa Pinas may nagawa ka nang isang paraan para magkaroon nang continuation ang iyong income. Ang Gastos hindi tumitigil, kaya dapat lang na ang income mo ay hindi rin tumigil. Bago mo Tuluyan mo nang iwan ang iyong trabaho, mas masarap ang iyong pakiramdam kung may maaasahan ka nang isang negosyo na magagaw mo at makapagbibigay sa iyo nang financial means para matustusan mo ang mga pangangailangan nang iyong pamilya. Ito ang pinakamagandang paraan para sa mga OFW para makapaghanda sa pag uwi sa Pilipinas.

Itong Video na ito ay nagpapaliwanang nang mga dapat mong malaman o alamin bago mag business, panoorin hanggang sa huli at abangan mo din ang mga susunod na podcast na ipa publish ko sa aking youtube channel na magbibigay sa iyo nang kaalaman kung paano ka magsimula nang negosyo at paano mo palakihin pa ito.

 Paano Magsimula nang negosyo sa tamang mindset


Ang lahat ay nagsisimula sa tamang mindset. Maraming gustong gumawa nang negosyo pero hindi nila maumpisahan dahil mali ang pananaw sa pagnenegosyo. Mayroon tayong dalawang mindset na pag uusapan dito at ito ang mga sumusunod;


Dalawang klase nang Mindset

Una, "Employee Mindset" - Ito ay ang pagkakaroon nang mindset na pang empleyado ang mga naiisip na paraan kung paano kumita. Katulad nang isang empleyado, ang paraan para ikaw ay kumita nang pera ay naka base sa buwanang sahod o kinsenas. 

 

Pag nag umpisa ka sa isang negosyo, ang expectation mo ay may kikitain ka na pagkatapos nang isang buwan. Magkaiba ang paraan nang kitaan sa negosyo at sa trabaho. Marami ang hindi tumatagal sa negosyo dahil sa ganitong kaisipan. Sa pagnenegosyo, ikaw ang gagawa nang sarili mong ekonomiya. 

 

Ikaw ang gagawa nang paraan kung paano ka kumita nang pera. Sa Negosyo, may iba't ibang paraan nang kitaan. Ang kalakaran sa negosyo ay nakabase sa sale nang iyong mga produkto o serbisyo nang iyong mga skills.  

 

Para sa pag deal nang iyong mga expectations, magkaiba ang direksyon nang Employment at nang Negosyo. Ang karamihan nang mga tao ay naghahanap nang trabaho. Kaya pag ang negosyo mo ay may mga requirements na maghanap nang mga pwede mong maging ka partner sa iyong negosyo, para lalong lumaki ang iyong income, dapat mong gamitin ang "LAW OF LEVERAGE" Ito ang pagmultiply mo nang iyong sarili sa time nang ibang tao.

 

Ayon kay John D. Rockefeller,

"I would rather earn 1% off a 100 people's efforts than 100% of my own efforts,"  

"Mas gugustuhin kong kumita nang isang porsyento (1%) sa pagsisikap nang isang daang tao kaysa sa isang daang porsyento (100%) nang sarili kong pagsisikap'

 

Pangalawa ang "Business Mindset" 

Mayroon ding maling mindset sa "Business Mindset". Ito naman ang mindset na naka associate din sa employment. Kahit ikaw ay nasa pagnenegosyo, ang iniisip mo pa rin ay ang pagiging isang negosyante na kung magsisimula ka nang isang negosyo, malaking puhunan ang kailangangan mo. Ang dahilan kung bakit hindi nakapagsisimula ang karamihan dahil sa ganitong pananaw. Ayaw na nilang isipin na pwede ka pa palang mag negosyo sa maliit na puhunan. 

Tamang Mindset

Para sa mga OFW, magandang maging strategy sa pag umpisa nag negosyo ay iyong habang nagtatrabaho ka pa at makapag tabi ka nang maliit na halaga para ikaw ay mamuhunan. Umpisahan mo at pag aralan mo ang mga systema sa negosyo kung paano mo gawin at mga skills na dapat mong matutunan habang pinapalaki mo ang iyong mga dapat na kitain sa negosyo.

Heto ang ilang mga prinsipyo para ang iyong mindset ay naka tama sa pagpapatakbo at pagpapalaki nang iyong income sa negosyo;

 

Mga prinsipyo kung paano madevelop ang Tamang Mindset 

Merong basic principles na kailangan mong maintidihan bago ka mag umpisa sa negosyo. Ito ay magbibigay sa iyo nang guide para maging successful sa negosyo. Maraming mga challenges at mga opportunities na dumarating sa pagnegosyo, ang mga prinsipyo na ibibigay ko sa iyo para sa tamang business mindset ay maaari mong malaman sa mga sumusunod;

 

Una, dapat mayroon kay Clear Vision at clear din sa iyo ang mga goals mo na gusto mong gawin. Ang Vision at mga Goals ang pinaka umpisa sa lahat nang mga gagawin mo sa iyong negosyo. Madali kang ma defocus kung wala kang direction sa iyong negoyso. Pero kung may mga pangarap ka at may tamang pagpaplano kung paano mo sundin ang lahat nang gusto mong mangyari sa negosyo mo, mas lalo kang magiging inspired na matuto sa lahat nang bagay na dapat mong gawin para maging successful. 


ang lahat nag iyong pananaw ay mag iiba na rin dahil  alam mo na may patutunguhan ang iyong ginagawa. 

 

Pangalawa ang ang pagkakaroon nang "Growth Mindset"  - ito naman ay ang pagkakaroon nang magandang pananaw na sa lahat nang negosyo, may mga pagdadaanan kang pagsubok. Lahat nang mga pagsubok ay parte lang nang iyong success. Kaya kung ikaw ay magkaroon nang mga failures, babangon ka ulit at magpapatuloy. Ang mga failures ay maaaring maging paraan para makagawa ka nang magandang systema at effective na means para magawa mo nang mas madali ang mga proseso nang pagnenegosyo.

 

 Pangatlo, ay ang adaptability

 

Ang adaptability ay ang pag adjust mo sa mga circumstances na dumarating sa lahat nang pagdadaanan. May mga panahon na maulan at may panahon na maaraw, ito ay nagbibigay nang indikasyon na dapat ay matuto ka ring mag adjust sa sitwasyon na iyong ginagalawan.

 

Pang Apat, Katatagan nang Loob. 

 

Kasama na dito ang tatag nang iyong loob, dahil hindi lahat nang tao ay maiintindihan ang iyong mga ginagawa. Karamihan naghahanap kaagad nang resulta. Kung nag uumpisa ka pa lamang, hindi pa ganoon kalaki ang lahat nang kikitain mo. Maaaring lahat ay puro palabas lang nang mga gastusin at maaaring ang panahong iginugugol mo ay magbibigay nang malaking pagod. Huwag mong intindihin ang mga pagod, dahil may kapalit lahat nang iyong ginagawa. Kung busy ka sa mga bagay na magbibigay nag resulta sa ginagawa mong negosyo. 

 

Pang Lima,  Patuloy na Pag-aaral

 

Kasama na rin sa negosyo ang lagi kang updated sa mga induxtriya at sa teknolohiya. Dapat lagi kang nag aaral. Maraming dapat matutunan. Sa lahat nang mga qualities na nabanggit, marami kang matututunan sa mga taong nakaranas na at mga successful. Pwede mong basahin at panoorin ang kanilang mga naging success stories. Dito ka makakapag develop nang mga strategies at mga principles kung paano maging successful sa business. 

 

Pang Anim ay ang "Strategic Thinking" 

 

Ang pagpapahalaga at pag develop nang tamang kaalaman sa negosyo ay isang prosesso na tuloy tuloy. Bawat hakbang at bawat panahon ay may katumbas na kaalaman at skill level na dapat mong matutunan. Kailangan mo nang dedication at pag didisiplina sa iyong sarili.

 

Para kang nagtatanim at hindi mo makakamit ang pag aani nang lahaat nang iyong pinaghirapan sa isang araw lang. Kailangan nang panahon, sipag at tiyaga para magkaroon nang magandang kinabukasan. Tulad nang prinsipyo nang mga magsasaka, "Kapag may Itinanim, Mayroon kang Aanihin".

Kung nagustuhan mo ang ganitong mga topics, bisitahin ang aking youtube channels;

LEARN AND BUILD BRING VISION at ang THEBUSINESSCOACH Parehong may tema tungkol sa kung paano magsimula nang isang negosyo at kung paano lumaki ang negosyo. Ang Learn and Build ay nagbibigay din nang mga training program sa Affiliate Marketing o Direct-Selling nang mga products at negosyo nang Alliance in Motion Global (Empowered Consumerism) at nang Orbix Victus Insternational.

Samantalang ang TheBusinessCoach naman ay nagbibigay nang mga tips at mga tutorials sa mga topics related sa Affiliate Marketing na may mga products na related sa Crypto currencies at Artificial Intelligence Trading gamit ang Boomerang AI.


Mga topics na nagbibigay kaalaman sa tamang paraan nang pagnenegosyo sa Affiliate Marketing Program. Ang Affiliate Marketing ay isa sa mga negosyo na pwede mong umpisahan sa maliit na puhunan. Tamang tama sa tema nang pagkakaroon nang Tamang Mindset. Sa pamamagitan nang mga training program, ang iyong kaalaman ay lalawak at maitatama ang iyong Mindset sa pagnenegosyo.

Mag iwan lang nang mga comments sa ibaba kung may mga katanungan ka at kung may mga topics kang gustong i post dito. Kumunekta ka na rin sa aking Facebook Group Page dito; PINOY BTCC MINER 




 Related Topics

Paraan kung paano palakihin ang negosyo | Proseso sa paglaki nang negosyo

Tatlong Source Nang Income Sa Affiliate Program

Paano Lumaki ang Negosyo

No comments:

Post a Comment