Paano mo Abutin ang Iyong mga Pangarap?
Abutin ang iyong mga pangarap sa pagpapalano, ito ay magiging makatotohanan kung meron kang naisulat na Goal. Ang Goal Setting ay pagkakaroon nang pangarap na gusto mong maabot. Marami ang nangangarap lang, ang pinagkaiba nang pangarap at ang katotohanan ay ang iyong intention na abutin ang pangarap na yan. Dito natin matututunan ang paraan kung paano mo abutin ang iyong mga pangarap.
Sa tamang Goal Setting, meron kang tamang guide kung kailan mo gustong maabot ang iyong mga pangarap. Hindi lang kung kailang kundi kung paano mo rin abutin ito.
Alamin ang iyong pinakamalalin na dahilan kung bakit mo gustong maabot ang iyong pangarap?
Nag uumpisa lahat iyan sa malalim na dahilan.
"Bakit ka nga ba nagnenegosyo?"
"ano ba ang gusto mong abutin?"
"Ano ba ang sitwasyon mo ngayon na gusto mong mabago? "
Ito ay ilan lamang sa mga katanungan na dapat mong sagutin para malaman mo ang iyong malallim na dahilan kung bakit ka pumasok sa negosyo.
Sa paraan na ganito, may magiging guide ka sa iyong mga gagawin sa sususnod na taon, limang taon o kahit sampung taon of pang habang panahon.
1. Isulat ang iyong mga pangarap
Mas magiging inspired kang abutin ang iyong mga pangarap kung ito ay iyong isusulat. Tatatak sa isip mo ang mga gusto mong maabot at magkakaroon ka nang inspirasyon para gawin mo ang negosyo araw araw. Ito ay para magkaroon ka nag consistency sa mga ginagawa mo at maging disiplina na rin ito. Depende sa laki nang iyong pangarap, magiging batayan ito nang iyong commitment, determinasyon at sa eagerness na maabot ang mga minimithi mo na may kaakibat na time frame. Meron ka siguradong tinatakdang panahon kung kailan ito magiging totoo o kung kailan mo ito makamtan.