Maraming paraan kung paano kumita nang pera. Dapat mo lang malaman kung saan mo ito kukunin at paano?
Mga Paraan Kuna Paano Kumita Nang Pera
- Sa Pagiging Empleyado
- Sa Pagiging Self-Employed
- Sa Pagnenegosyo at
- Sa Pagiging Investor
- Kumita Nang Pera sa Pagiging Empleyado
Karamihan dito tayo naghahanap nang mga opportunity. Dahil mabilis at pang matagalan kung nakakakita ka nag trabaho na maganda ang sweldo. Ang karamihan na kumikita nang malaki sa empleyado ay ang mga nasa managerial position at lamang dito ang mga may mataas na pinag aralan. Ang mga malalaking kumpanya ay kumukuha nang mga empleyado na may mataas na antas nang pinag aralan, mataas na qualification at may magandang karanasan sa ganoong posisyon.
Kung ang hanap mo ay magkaroon nang steady income, ito ang magandang paraan para kumita ka nang pera. Marami ang mga trabahong pwede mong pasukan kung ikaw ay may propesyon na makakatulong sa mga malalaking kumpanya tulad nang pagiging Piloto, Doctor, Engineer, Architect, Nurse, Teacher at marami pang iba. Ito ay karamihan malalaki ang sweldo lalo na pag sila ay nag abroad o makapasok sa mga multi-national na kumpanya. Marami ang naging successful sa larangan na ito at guminhawa ang kanilang pamumuhay.
Ano ang mga dapat mong gawin para kumita nang malaki sa pagiging propesyonal?
Ang tanging puhunan dito ay ang makatapos ka nang pag-aaral at magkaroon nang degree. Ito ang standard na paraan at mga preparasyon para ikaw ay kumita nang pera. Ang dapat mong gawin ay piliin ang kurso na gusto mong maging. Kung ikaw ay matatapos pa lang nang high school, ito ang magandang simula para sa iyo.
Kung ikaw naman ay lumampas na sa ganitong edad at hindi ka nakapagtapos nang pag aaral, ang mga chances mo na kumita nang pera ay limitado sa mga trabaho na nangangailangan nang iyong pagtitiyaga sa mga mabibigat na trabaho. May mga paraan na kumita nang magandang sweldo pero madalang lang na makakita na magkaroon ka nang mataas na sweldo. Kadalasan ay pag aabroad ang nagiging paraan. Malaki nga ang kikitain kung ikukumpara mo sa kikitain mo sa Pilipinas, kaya marami pa rin ang nagiging OFW.
2. Kumita Nang Pera Sa Pagiging Self-Employed
Ang Self-employment naman ay isa sa mga paraan na karamihan ginagawa nang mga gustong magbigay nang kanilang serbisyo. Ito ang Home-based business na ikaw mismo ang magbibigay nang sweldo para sa sarili mo at maaaring magbigay ka rin nag sweldo sa mga magiging makakatulong mo sa iyong pagiging self-employed. Ang mga halimbawa nito ay ang pagbibigay mo nang serbisyo tulad nang mga doctor, dentist, accountant, architect, engineers. Pinagsamang empleyado at pagiging negosyante. Nakafocus ang iyong ginagawa sa pag offer mo nang iyong talento bilang serbisyo. Sa mga doctor at dentist, magtatayo sila nang sariling clinic. Sa mga architekto at engineers ay magtatayo nang sariling opisina na mag ooffer nang design at construction services, pati na rin ang mga accountants na mag offer nang freelance accounting services.
Kumikita sila nang pera sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mga pasyento o mga cliente. Meron ding mga self-employed na mga nag ooffer nang pagtitinda nang mga producto. Mga maliliit na sari sari store o mga pagtitinda nang mga pagkain.
Sa ganitong paraan, malaki ang maaaring pagkakiraan pero wala nang halos natitirang oras para sa kanilang sarili. Mas maraming pasyente, cliente or mga bumibili sa mga nasabing mga self-employed na individual mas malaking oras ang kailangan nilang gugulin. Minsan kahit gusto na nilang magpahinga, marami pa rin ang nakapila para serbisyuhan nila ang mga ito.
3. Kumita Nang Pera sa Pagnenegosyo
Ito naman ay katulad din nang Self-Emplyment, kung mas malaki ang balak mong kitain, dapat mong pag ipunan nang malaking puhunan para makapag simula nang isang negosyo. Karamihan nang mga self-emplyed, kung naparami nila ang kanilang mga pasyente, nag eexpand ang kanilang serbisyo at nakakapag establish na nang mas malaking negosyo tulad nang pagtayo nang hospital na magkakaroon nang sariling mga empleyado.
Magandang simulain ang pagiging self-emplyed at lumaki ito na isang establish na negosyo. Ang mga skills na kakailanganin mo dito ay ang mga sumusunod:
- Business Management Skills
- Financial Management Skills
Kasama dito ang pagkakaroon nang malakas na leadership skills at Organizational Skills. Marmin pang mga skills na dapat matutunan dito kaya mas nararapat na nagpapatuloy ka pa rin sa iyong kaalaman sa technolohiya at sa mga makabagong systema sa pagnenegosyo.
4. Kumita Nang Pera Sa Pagiging Investor
Ito naman ay isang paraan din kung paano kumita nang pera. Ang perang naipon mo, maaari mong i invest sa iba't ibang mga negosyo na may balik sa iyong puhunan. Ang perang inilagay mo sa investment ay tumutubo nang porsyento sa loob nang ilang buwan o taon depende sa iyong inilaan na pera sa investment.
Maraming nagkalat nang mga investement scheme na kaduda duda. Laging tandaan na ang perang iyong naipon ay pinaghirapan mo nang husto, kaya sa pag invest, huwag kang basta basta maglabas nang pera na may mga pangakong kikita ka nang malaki sa pang invest mo lang. Ang lahat nang mga magagandang bagay sa mundo ay pinaghihrapan. Kaya maging maingat din sa pag invest nang iyong pera.
Mga Investment Opportunities na makapagbibigay nang malaking Kita
May mga lehitimong investment na maaari mong bigyan nang pansin kung ang pera mo ay nakatabi lang. Ang mga investment opportunities na magbibigay sa iyo nang magandang balik nang puhunan ay ang mga sumusunod:
- Real Estate
- Financing
- Trading
- Gold
- Currency
- Crypto Currency
Ito ay ilang lamang sa maraming investment opportunities na pwede mong gawin. Maging maingat ka lang at dapat ay may malawak kang kaalaman sa pinapasukan mong investment. Pag aralang mabuti bago mo pasukin ang ganitong paraan kung paano kumita nang pera.
Sa apat na kategoryang ito, lahat ay may mga paghahandang kailangan. Bawa't isa ay maaaring makakatulong sa iyon sa paghahanap mo nang paraan kung paano ka kumita nang pera. Ito ay mga praan lamang. Kailangan mo ring matutunan ang mga dapat mong matutunan kung ito ay gusto mong subukan. Bawat isa dyan ay magiging kapaki pakinabang sa iyo at magdudulot nang magandang kinabuakasa para sa iyo at sa pamilya mo.
Sa apat na kategoryang ito, ano ang pinaka gusto mong gawin?
No comments:
Post a Comment